.
PART 1
Sumasabay sa pagihip ng hangin ang nakalugay na buhok at ang suot na puting damit ni Joana habang tanaw ang pag-alon ng dagat sa pampang. Sa terrace ng bahay, isang lalaki naman ang nakatingin lang sa kanya. Kasintahan niya ito. Nasa resort siya ngayon na pagmamay-ari ng pamilya ng kanyang iniibig. Hindi man neto sabihin ang nararamdaman sa kanyang kasintahan, alam niyang alam nito na may mabigat ito dinaramdam. Hindi napigilan ang pagpatak ng luha ni Joana habang nagbabalik tanaw sa kanyang nakaraan…
Limang taon ang nakakaraan, maagang gumising ang buong mag-anak ng mga Ferrer. Excited sila lalo ang magkakambal na si Joana at Jon. Ngayon kasi ang araw ng pagbabakasyon nilang lahat sa rest house nila sa Vigan, Ilocos Sur. Ginagawa nila ito minsan sa isang buwan para kalimutan muna pansamantala ang magulong buhay sa siyudad. Naunang umalis sina jon kasama ang mommy at daddy nila. Nagpahuli muna si joana dahil may dadaanan pa siya sa kanyang opisina.
“Joana, sunod ka na lang ha?” sambit niya kay Joana. “Sige kuya, ingat kayo. Ikaw muna bahala kina mommy at daddy” tugon niya. Kuya ang tawag nito sa kakambal dahil sa mas naunang lumabas ito sa sinapupunan ng kanilang ina. Pagkasambit ni Joana ng mga salitang binitiwan niya ay parang may kumurot na kung ano sa kanyang dibdib na para bang may masamang mangyayari. Dahil sa nakikita niya na Masaya naman ang kanyang pamilya eh hindi na lamang niya ito pinansin.
Nagtungo na si Joana sa kanyang opisina, pagkaalis na pagkaalis nina Jon. Isang maliit na box na may balot, laman nitoy dalawang bracelet. Regalo niya ito para sa kanilang mga magulang. Kinabukasan kasi, ay isang napakaespesyal na araw sa kanilng dalawa, ang ika-30 na anibersaryo ng kanilang kasal. Habang masayang umalis si Joana sa pinuntahan niya, isang trahedya nap ala ang nagaganap na magbabago sa takbo ng kanyang buhay.
Sinusubukan niyang tawagan ang kanyang kakambal para sana’y itanong kung nasaan ang mga ito. “kringggg…kringgg..kringggg..’Bakit kaya hindi sinasagod ng mokong na to ang tawag ko. Well siguro siya ang nagdrive. Si Mommy na nga lang’” Sinubukan din nyang kontakin ang mommy nito pati na rin ang telepono ng daddy nila ngunit tumutunog lamang ang mga ito at walang mga sumasagot. Kinabahan na siya ng ilang beses niyang sinubukan ay ganun parin.
Huminto muna siya sa isang tabi ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Pangalan ng kanyang kapatid ang nagrehistro dito. “oh kuya, nasaan na kayo? Nagaalala na ako kasi walang sumasagot….” Hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin ng ibang boses ang nagsalita sa kabilang linya.. “Hello maam, si ms. Joana po ba ito? Huwag po sana kayong mabibigla…” Hindi pa man natatapos ang sinasabi ng kanyang kausap eh parang lumabo na ang kanyang pandinig, nanghina na ang kanyang tuhod.. Ramdam na niya ito.. Tama, naaksidente nga ang kanyang pamilya. Nagmadali siyang nagdrive habang umiiyak patungo sa ospital na pinagdalhan sa mga ito.
Hindi makalakad ng mabuti si Joana, sa takot, sa lungkot, sa pagiisip sa sinapit ng kanyang pamilya. Ng makausap niya ang doktor, sinabi nitong wala na nga ang mga magulang niya, dead on arrival na ng ang mga ito. “Eh ang kakambal ko dok? Asan siya? Kumusta siya? Ano? Magsalita ka? Buhay pa ba siya?” Hindi na nagsalita pa ang doktor at sinamahan na nito kung nasaan ang kapatid. Malubha ito, hindi na makilala dahil balot na siya ng benda. Comatose ito, parang lantang gulay, hindi na rin magtatagal sa kalagayan. Napaluha na lang si Joana sa kanyang nakita. Alam niyang hindi magtatagal eh mawawala na rin ito.
Sa kabilang kwarto, isang lalaki naman ang nagaagaw buhay dahil sa sakit sa puso. Ang tanging magagawa na lang ay heart transplant para madugtungan pa ang kanyang buhay. Isang alok ang iniabot ng doktor kay Joana. Ito ay ang pagdonate ng puso ng kanyang kapatid. “Nacheck na po naming ang lahat, at si Jon ay perfect donor.” Ayaw pumayag ni Joana sa alok. Iniisip kasi nya na pwede pa, kaya pang mabuhay ni Jon, kahit ang katotohanan ay mahirap na. Di naglaon, sa nakikita niyang paghihirap ng kapatid ay minabuti na nyang isuko ito at pumayag sa operasyon. Hindi na kinuhanan pa ng detalye ni Joana kung sino at kung anong klaseng tao ang tatanggap sa puso ng kanyang kapatid. Ang tanging alam niya ay ang pangalan nito, “Elmer”.
Itutuloy……….
Tags: filipino, love, novel.tagalog, stories